DEATH PENALTY | Sen. Pacquiao, tiwalang makakakuha ng suporta sa mga senador ang death penalty laban sa mga big time drug trafficker

Manila, Philippines – Buo ang pag-asa ni Senator Manny Pacquiao na susuportahan ng mayorya ng mga senador ang panukalang ibalik ang parusang kamatayan laban sa mga big time drug trafficker.

Pahayag ito ni Pacquiao makaraang sabihin ng Santo Papa na hindi katanggap-tanggap ang parusang bitay.

Pero giit ni Pacquiao, nasusulat sa bibliya ang pagpapataw ng parusang kamatayan laban sa mga gumagawa ng karumal-dumal na krimen tulad ng high level drug trafficking.


Sa Senado ay nakabinbin sa committee on justice ang death penalty bill at may mga senador na ang nagpahayag ng mariing pagtutol dito.

Umaasa si Pacquiao, na ngayong taon ay maipapasa na nila ang death penalty bill pagkatapos ng isa o dalawa pang pagdinig at debate para maliwanagan ng lahat.

Facebook Comments