Manila, Philippines – Suportado pa rin ng mas maraming Pilipino ang parusang kamatayan o death penalty ayon sa pinakabagong survey ng Pulse Asia.
Bagaman mas mababa ngayon na nasa 67 percent kumpara noong July 2016 na 81 percent, karamihan pa rin sa mga Pinoy ang nagpahayag ng suporta sa dealth penalty.
Lumabas pa sa survey na 25 percent lamang ng mga Pilipino ang hindi pabor sa death penalty habang 8 percent ang hindi pa tiyak kung susuportahan o hindi ang parusang kamatayan.
Umabot naman sa 97 percent ang nagsabi na ang kasong ‘rape’ ang dapat patawan ng death penalty habang 88 percent naman sa kasong murder at 71 percent sa drug pushing.
Samantala, ayon pa rin sa survey, mahigit sa kalahati ng mga pilipino o 55 percent ang naniniwala na 15 years old ang karapat dapat na minimum age of criminal liability.
Isinagawa ang naturang survey noong March 15 hanggang March 20 sa pamamagitan ng face-to-face interview sa 1,200 adult respondents na may edad 18 years old pataas.
DZXL558