Estudyante patay habang 20 kasamahan sugatan matapos mahulog at tumagilid ang dumptruck sa tulay sa Sarangani

[image: 44445633_1241998739271976_2040444421509480448_n.jpg]
Patay ang estudyante ng Maitum Edenton College Mission Incorporated na si Vanessa Jane Abalos habang sugatan ang 20 kasamahan nito matapos mahulog at tumagilid ang dumptruck na kanilang sinakyan para sa isang community immersion sa Barangay Gazi, Kiamba, Sarangani Province.

Sinabi ni Police Chief Inspector Rey Salgado, hepe ng Kiamba Municipal Police Station na pawang mga estudyante ang sakay sa dumptruck na patungo sana sa Barangay Maligang, Kiamba para sa isang immersion program.

Dinala naman sa malapit na ospital ang mga sugatang mag-aaral.


Facebook Comments