REHIYON UNO, HUMATAW SA KATATAPOS LAMANG NA PHILIPPINE NURSING LICENSURE EXAMINATION

HUMATAW sa katatapos lamang na July 2021 Philippine Nursing Licensure Examination ang mga estudyante sa rehiyon uno.

Talaga nga namang nakatutuwa ang naging resulta dahil dalawa sa mga topnotcher sa nasabing pagsusulit ay parehong Pangasinense habang ang isa naman ay certified Ilokano.
Nasungkit ni Micah Junabel Munar Ventilla ng Urdaneta City University ang 4th spot; 7th placer naman si Crisela Balancio Areola ng Lorma Colleges, habang nag-landing naman sa ikasampung pwesto si Windle Jean Bautista Taylor ng PHINMA University of Pangasinan.

Hindi rin nagpahuli ang Region 1 sa mga top performing schools sa buong bansa sa PNLE dahil Top 2 ang PHINMA-UPang dito at Top 4 naman ang Lorma Colleges.


Bumubuhos naman ngayon ang pagbati at pagpupugay ng mga kababayan maging ng Commission on Higher Education sa tagumpay na ito ng mga mag-aaral sa kursong nursing.

Facebook Comments