Maaari pa ring matuloy ang inaantabayanang debate sa pagitan nina Pangulong Rodrigo Duterte at retired Supreme Court Justice Antonio Carpio ukol sa mga isyu sa West Philippine Sea.
Ito ang sinabi ng Malacañang matapos umatras ang Pangulo sa kanyang hamon na debate sa dating mahistrado ng Kataas-taasang Hukuman dahil na rin sa payo ng kanyang gabinete at itinalaga si Presidential Spokesperson Harry Roque bilang kanyang kinatawan.
Ayon kay Roque, posible pa ring mangyari ang face-off nina Pangulong Duterte at Justice Carpio kapag bumaba na ang Pangulo sa kanyang pwesto sa susunod na taon o sa Hunyo 2022.
Iginiit din ni Roque na patuloy pa ring itinataguyod ng Pilipinas ang karapatan at soberenya nito sa West Philippine Sea.
Facebook Comments