DECEMBER 11 | Botohan para sa Brexit deal, itinakda

Itinakda na ang botohan kung aaprubahan o tututulan ang nabuong Brexit deal sa pagitan ng European Union leaders.

Inihayag ni British prime minister Theresa May ang botohan sa Disyembre a-onse.

Una rito, pinagtibay na ang pag-alis ng united kingdom sa EU na binansagang “Brexit.”


Una nang inamin nina European Commission President Jean-Claude Juncker at German Chancellor Angela Merkel na nakakalungkot at naging “trahedya” ang paghiwalay ng UK sa EU.

Kung aaprubahan ng mga mambabatas ng Britanya ang deal, ihahain ito sa European Parliament.

Kung sakali namang harangin ang deal, ilang posibilidad ang maaring mangyari, kabilang na ang ikalawang referendum na tuluyang pagbaliwala sa pag-exit ng Britanya sa European Union.

Facebook Comments