December 26, idineklarang special non-working day ni PBBM

Idineklara ni Pangulong Bongbong Marcos (PBBM) ang December 26 bilang special non-working day sa buong bansa.

Ito ay ginawa ng pangulo sa pamamagitan ng Proclamation No. 115 na inisyu para mabigyan ng pagkakataon ang mga Pilipino na makapagdiwang ng holiday kasama ang kani-kanilang pamilya at mga mahal sa buhay.

Ayon sa proklamasyon, dahil sa mas mahabang weekend ay mahihikayat ang bawat pamilya na magsama-sama na magdudulot ng mas matatag na relasyon para sa produktibong kapaligiran at magtataguyod din ng turismo.


Inutusan naman ng presidente ang DOLE o Department of Labor and Employment na maglabas ng karampatang circular para sa pagpapatupad ng proklamasyon sa pribadong sektor.

Ang Pasko naman ay natapat sa araw ng linggo at ginugunita bilang regular holiday.

Samantala, una nang idineklara ang Enero 1, 2023 bilang regular holiday sa ilalim ng Proclamation 90 ni Pangulong Marcos.

Facebook Comments