Binigyang pugay ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr., ang dedikasyon at hardwork o kasipagan ng mga guro kasabay ng pagdiriwang ng Teacher’s month.
Ang pagbibigay pugay idinaan ng Malacañang sa pagsasagawa ng ikatlong Konsyerto sa Palasyo para sa mga guro.
Ayon kay Presidential Communications Office (PCO) Secretary Cheloy Garafil, mismong sinaksihan ng pangulo ang konsyerto kung saan nag-perform ang mga Filipino Artists mula sa iba’t ibang fields of performance art, gaya ng teatro, rap, pagkanta at pagsayaw.
Tribute ito sa mahalagang tungkuling ginagampanan ng mga guro sa komunidad.
Ginawa partikular ang Konsyerto sa Palasyo sa Mabini Grounds kagabi.
Bukod sa guro tribute din ang konsyerto sa bayaning si Apolinario Mabini dahil sa pagiging respetado nito sa bilang educator.
Ang pagsasagawa ng konsyerto sa palasyo ay pinangungunahan ng Office of the President (OP), Presidential Communications Office (PCO), Social Secretary’s Office (SOSEC) at ng Presidential Broadcast Staff – Radio Television Malacañang.