PBBM, nagpaabot ng pagbati kay EJ Obiena matapos makakuha ng gold medal sa 19th Asian Games

Nagpaabot ng pagbati si Pangulong Ferdinand Marcos Jr., kay Pole Vaulter Ej Obiena matapos na magwagi ng gold medal sa ginanap na 19th Asian Games sa Hangzhou, China.

Ang pagbati ay ipinaabot ng pangulo sa pamamagitan ng kanyang official twitter account.

Bukod kay Obiena, binati rin ng congratulations ng pangulo si Taekwondo player Patrick King Perez at sina Wushu artists Jones Inso, Gideon Padua, at Clemente Tabugara Jr., matapos manalo ng bronze medal.


Nagpaabot rin ng pagbati si PBBM kay Tennis player Alex Eala matapos manalo rin ng bronze medal sa women’s single category at partner nitong si Francis Casey Alcantara, na nanalo rin ng bronze medal para sa tennis mixed doubles.

Nagwagi naman ng silver medal si Wushu artist Arnel Mandal sa ginanap 19th Asian Games na binati rin ng pangulo.

Sinabi pa ng Presidential Communications Office (PCO) na hanggang September 30, nakakuha na ang Pilipinas walong medals: isang gold, isang silver, at anim na bronze.

Facebook Comments