Deepfake at AI, inaasahang gagamitin ng mga kandidato sa 2025 elections

Inaasahan gagamitin ng mga kandidato ang artificial intelligence at “deep fake” sa pangangampanya sa 2025 elections.

Sa Malacañang insider, sinabi ni DICT Sec. Ivan John Uy na talamak na ngayon ang AI deep fakes sa Amerika dahil sa papalapit na m eleksyon doon sa Nobyembre.

Kung kaya’t hindi na umano nagtataka si Uy kung gagamitin din ito sa Pilipinas lalo na’t minsan ay nagiging marumi ang eleksyon.


Magagawa lamang umano ito sa pamamagitan ng social media platforms na nagiging enablers hindi lamang para sa impormasyon kundi pati na sa disinformation at misinformation.

Facebook Comments