Kaso sa pagpatay kay Dacera, tuloy pa rin ayon kay NCRPO Chief Danao

Igiinit ni National Capital Region Police Office (NCRPO) Chief P/BGen. Vicente D. Danao Jr. na tuloy pa rin ang kaso sa pagpatay ng flight attendant na si Christine Dacera.

Ito ay kahit na aneurysm o pagputok ng ugat sa utak ang dahilan ng pagkamatay ng dalaga, batay sa resulta ng autopsy ng Southern Police District (SPD) crime laboratory.

Nakasaad din sa report na walang palatandaan na hinalay ang o na-gang rape si Dacera.


Pero sinabi ni Danao, na hindi ibig sabihin nito na wala ng kaso hangga’t hindi sinasabi ng korte.

Aniya, patuloy pa rin namang nag-iimbestiga ang Philippine National Police (PNP) ukol dito upang malaman kung ano ang nagdulot ng aneurysm sa biktima.

Matatandaang idineklara na dead-on-arrival si Dacera nang isugod ito sa isang ospital sa Makati, matapos matagpuan itong walang buhay sa bath tub sa isang room ng City Garden Grand Hotel noong Enero 1 ngayong taon.

11 lalaking suspek ang isinasangkot sa kanyang pagkamatay na kasama niya sa ginawa nilang year-end party sa nasabing hotel.

Facebook Comments