Manila, Philippines – Siniguro muli ni Defense Secretary Delfin Lorenzana na hindi na magkakaroon pa ng pabaon ang mga magreretirong matataas na opisyal ng Armed Forces of the Phil.
Ito ay dahil sa tila pag-aalinlangan pa rin ni Senator Panfilo Lacson na posibleng nangyayari pa rin ang pabaon system sa AFP kasunod ng isinagawang budget hearing kahapon sa Senado para sa pondo sa Department of National Defense( DND).
Sinabi ni Sec. Lorenzana na hindi nya papayagang mangyari itong muli sa AFP.
Sorry nalang daw sa mga opisyal na magreretiro sa kanyang panunungkulan dahil wala silang matatangap na pabaon.
Sinabi pa ni Lorenzana na isa itong bad practice kaya dapat itinitigil, sa halip daw kasi magamit sa dagdag pang pondo ng AFP o sa mga benepisyo para sa mga sundalo ay napupunta sa iisang bulsa ang pabaon na ayon sa kalihim ay umaabot ng 50 milyong piso.