Defense Secretary Lorenzana, hindi makakatiyak sa posibleng pagpasok ng Maute Group sa rehiyon 11

Davao, Philippines – Inamin ni Defense Secretary Delfin Lorenzana na hindi ito makatitiyak kung mayroon ba o walang kontak ang teroristang Maute Group sa buong rehiyon onse.

Ginawa ang pahayag ni Lorenzana sa kaniyang talumpati sa paggunita ng ika-119 Independence Day na ginanap dito sa lungsod ng Davao, kahapon ng umaga kung saan, naging panauhing pandangal ang kalihim.

Aniya, hindi ito makasisiguro na hindi makapasok ang maute group dito sa lungsod at ang posibilidad na baka mayroon na silang mga kasamahan na nakabase dito.


Tiwala naman ang kalihim sa ipinatutupad na seguridad ng mga pulisya at Task Force Davao, bagay na hindi makakalusot ang mga terorista, lalo na pag mayroong tulong galing sa publiko.

Iginiit pa ni Lorenzana na mahalaga ang idineklarang batas militar sa buong Mindanao dahil dito, nababawasan ang mga pagkilos ng Maute Group.
DZXL558,Joel Viray

Facebook Comments