Defense Secretary Lorenzana, Pinasaringan si JOMA Sison!

Pinasaringan ni  Defense Secretary Delfin Lorenzana ang komunistang grupo na pinangungunahan ni Jose Maria Sison.  Ayon sa kalihim nais ni Joma Sison na magtatag sana ng rebolusyonaryong gobyerno ngunit hanggang sa ngayon ay pangarap  parin ito matapos ang limampung taon ng pakikibaka sa kasalukuyang gobyerno.

Ito ang kanyang sinabi sa kanyang pagdalaw sa pagdiriwang ng ika-38 taong anibersaryo ng 5th Infantry (Star) Division Philippne Army sa  Camp Melchor Dela Cruz sa Upi, Gamu, Isabela

Ayon pa kay  Sec. Lorenzana, nais niyang pag ibayuhin pa ang serbisyo ng Armed Forces of the Philippines (AFP) sa pagtugis sa mga rebelde at teroristang grupo sa bansa.


Ito ay bilang pagtalima sa direktiba ng Pangulong Duterte upang tapusin ang suliranin sa insurhensiya at terorismo sa  bansa upang mapabilis ang pag unlad ng pamahalaan kung saan bumuo ng isang Executive Order 70 si Pangulong Duterte upang tuldukan ang insurhensiya sa bansa.

Iginiit din ng kalihim ang dahilan kung bakit di masugpo sugpo ang mga teroristang grupo ay dahil sa kawalan ng pakialam ang mga lokal na opisyal.

Sinabi pa ng Kalihim na patuloy ang pagtalakay sa mga naging hakbang ng pamahaalan laban sa mga terorista sa panahon nina Dating Pangulong Ferdinand Marcos at Dating Pangulong Gloria Macapagal Arroyo.

 

 

Facebook Comments