Defense Secretary ng United States, tinanggal sa pwesto ni President Donald Trump

Tinanggal sa pwesto ni US President Donald Trump si Defense Secretary Mark Esper.

Ito’y kasunod ng hindi nila pagkakaunawaan sa mga desisiyon ni Trump partikular sa paggamit ng pwersa ng militar.

Nabatid kasi na hindi pumayag si Esper sa gusto ni Trump na gamitin ang militar para arestuhin ang mga nagsasagawa ng kaliwa’t kanang protesta hinggil sa racial injustice.


Papalit naman sa nabakanteng pwesto ni Esper si Christopher Miller ang kasalukuyang namumuno sa National Counterterrorism Center.

Kinondena naman ni US House of Representative Speaker Nancy Pelosi ang ginawang hakbang ni Trump kung saan ang desisyon nito na tanggalin sa pwesto si Esper ay nagpapakita lamang na nais nitong guluhin ang demokrasya sa Amerika habang nauupo pa ito bilang Pangulo.

Facebook Comments