
Nakatakdang magharap pa ng walo hanggang sampu pang testigo ang defense team ni Vice President Sara Duterte sa susunod na linggo.
Ito ang sinabi ni lead defense counsel Atty. Shiela Sison matapos tanungin ni presiding officer Chiz Escudero kung ilan pang testigo ang ihaharap nila sa paglilitis.
Nakatakdang paharapin ang mga ito sa pagbabalik ng impeachment trial sa November 19 at 20 at sa mga susunod pang araw.
Wala namang gagawing paglilitis sa November 16 hanggang 18 dahil sa ASEAN Summit.
Sinabi naman ni Escudero na sa pagbabalik na lang ng impeachment trial iaanunsyo ng Impeachment Court ang magiging schedule ng paglilitis para sa buwan ng Disyembre.
Nauna namang iniurong ng depensa ni VP Duterte ang 16 na opisyal ng walong bangko, kapitan ng isang barangay sa Davao City at ang prosecutor ng Quezon City.










