
Nilinaw ng Defense team ni Vice President Sara Duterte na wala silang “bad blood” o sama ng loob sa biglaang pag-atras ni Dean Ralph Sarmiento bilang unang testigo sana sa Impeachment Trial.
Ayon kay Defense Counsel Atty. Michael Poa, nung una ay nagpakita ng willingness si Sarmiento para tumestigo basta ito ay ikokonsidera bilang independent witness na pinayagan naman ng depensa kaya ito ay humiling ng subpoena .
Gayunpaman, ayon sa depensa ,niirerespeto nila ang desisyon ni Sarmiento na huwag tumestigo sa trial dahil sa personal na dahilan.
Kaugnay nito, sinabi pa ng depensa na hindi naman nakaapekto sa kaso ang pag-atras ni Sarmiento.
Ngunit pag-amin ni Poa, nadisappoint ito dahil hindi naipresenta si Sarmiento bilang kanilang testigo.
Facebook Comments










