Tuesday, November 10, 2026

Lahat ng oversight committees ng Kamara, magpupulong para suriin ang aktwal na implementasyon at paggamit ng 2026 National Budget

Inatasan ni House Speaker Faustino Bodjie Dy III ang lahat ng oversight committees na magpulong para busisiin ang paggamit ng bawat ahensya o departamento ng kanilang 2026 budget.

Diin ni Dy, muli nilang susuriin kung ang mga pondong inilaan at inaprubahan sa iba’t ibang proyekto ng pamahalaan para sa kasalukuyang taon ay ginamit nang tama sa itinakdang panahon at kung nakamit ang tunay na layunin.

Ang deriktiba ni Dy ay bahagi ng pagtugon sa demand o hiling ng mamamayan na maging mas bukas at may pananagutan sa paggastos ng pera ng taumbayan.

Ayon kay Dy, daan ang ganitong hakbang para matukoy kung aling mga programa ang kailangan ng dagdag na suporta at aling mga programa ang mabagal na naisasakutaparan.

Tiniyak ni Dy na ang Kamara ay palaging handang makinig at magpaliwanag sa kanilang mga desisyon, bukas din sila sa mga makatwirang mungkahi at handang magkasa ng mga kailangang adjustment.

Facebook Comments