Tuesday, February 10, 2026

Delegasyon ng Pilipinas para sa Foodex 2026 sa Japan, pangungunahan ng Center for International Trade Expositions and Missions

Pangungunahan ng Center for International Trade Expositions and Missions (CITEM) ang export promotion arm ng Department of Trade and Industry (DTI) ang delegasyon ng Pilipinas sa 51st edition ng FOODEX Japan.

Isasagawa ito mula Marso 10 hanggang 13, 2026 sa Tokyo Big Sight.

Sa ilalim ng FOODPhilippines banner, lalahok ang 18 exhibitors o kumpanya para ipakita ang dekalidad na processed food at ingredients tulad ng saging, cacao at pinya.

Ayon kay CITEM Executive Director Leah Pulido Ocampo, layon ng paglahok ng bansa na palakasin ang kakayahan ng mga MSME at ipakita na handa at competetive ang gawang Pilipino sa pandaigdigang merkado lalo na sa Japan.

Ang paglahok ng bansa sa FOODEX 2026 ay kasabay ng ika-71 anibersaryo ng diplomatikong ugnayan ng Pilipinas at Japan.

Facebook Comments