Manila, Philippines – Handa na ang buong delegasyon ng Pilipinas para sa gaganaping Bilateral Consultative Meeting sa pagitan ng China sa Biyernes, May 19.
Pangungunahan ito ni bagong Foreign Affairs Secretary Alan Peter Cayetano at DFA Usec. Enrique Manalo.
Habang kakatawan sa pag-uusap na gaganapin sa Guiyang City sa Guizhou Province si Philippine Ambassador to China Jose Santiago “Chito” Sta. Romana.
Layon ng dayalogo na maiwasana ng standoff sa mga pinag-aagawang isla ng Pilipinas at China.
Samantala, ipinagmalaki ni Sta. Romana na nabawasan na ang tensyon sa South China Sea mula nang bumisita si Pangulong Rodrigo Duterte sa China noong buwan ng Oktubre 2016.
Sa isyu naman ng naipanalong kaso ng Pilipinas sa arbitral tribunal, sinabi ni Sta. Romana ang posisyon ng Pangulo na igigiit lamang ito sa tamang panahon.
DZXL558