DELIKADO | DOE, naglabas ng panuntunan ukol sa paggamit ng 2.7 kilos LPG

Manila, Philippines – Naglabas ng panuntunan ang Department of Energy (DOE) na dapat ay sa labas lang ng bahay pwedeng gamitin ang 2.7 kilong Liquefied Petroleum Gas (LPG) cylinder.

Ayon kay Energy Undersecretary Wimpy Fuentebella, kulang kasi sa safety feature ang maliit na tangke ng LPG.

Aniya, ang 2.7 kilo na LPG ay sadyang dinisenyo para sa campers o yong mga nagka-camping.


Ang mga 11 kilogram na LPG cylinder lang aniya ang puwede sa loob ng bahay.

Dahil dito, aatasan ng DOE ang mga manufacturer na lagyan ng markang “for outdoor use only” ang mga maliliit na tangke ng LPG bilang gabay sa mga konsumer.

Plano ring kausapin ng DOE ang mga homeowners association para sa ligtas na gamit ng maliliit na LPG tank.

Facebook Comments