TATAPYASAN | Oil price rollback, aarangkada ngayong araw

Manila, Philippines – Magpapatupad ng rollback sa presyo ng produktong petrolyo ang mga kumpanya ng langis.

Epektibo ala-6:00 ng ngayong araw, magtatapyas ng P0.40 sa kada litro ng gasolina at P0.30 sa kada litro ng diesel ang Shell, Petron, Chevron, PTT, Jetti, Total, Flying V, Phoenix at Eastern Petroleum.

Habang wala namang magiging bawas sa presyo ng kada litro ng kerosene.


Una nang nagpatupad ng kaparehong rollback ang Seaoil alas 12:01 ng madaling araw.

Facebook Comments