DELIKADO | FDA, nagbabala sa paggamit ng isang brand ng katol

Manila, Philippines – Pinaalalahanan ng Food & Drug Administration (FDA) ang publiko laban sa pagbili at paggamit ng hindi rehistradong household urban pesticide product.

Ayon sa FDA hindi rehistrado sa kanila ang Wawang High Quality Mosquito Coil.

Napatunayan sa pamamagitan ng isinagawang post marketing surveillance ng FDA ang nabanggit na pesticide product ay hindi dumaan sa proseso ng rehistrasyon ng ahensya at hindi rin nabigyan ng proper marketing authorization


Ang lahat ng establisyamento ay binabalaang huwag mamahagi ng nasabing iligal na produkto hanggang sa ito ay mabigyan ng kaukulang awtorisasyon, sapagkat may katapat na kaukulang parusa.

Ang nasabing produkto ay nakapipinsala, nakalalason at maaaring magdulot ng panganib sa kalusugan ng tao o hayop

Hinihiling ng FDA sa lahat ng Local Government Units (LGUs) at Law Enforcement Agencies na tiyakin na ang nabanggit na produktong ito ay hindi maibebenta o magagamit sa kanilang mga nasasakupan.

Facebook Comments