PAALALA | COMELEC, nagpaalala sa mga tumakbo sa Barangay at SK Elections na maghain ng SOCE

Manila, Philippines – Nagpaalala ang Commission on Elections (COMELEC) sa lahat ng mga kumandidato sa nakalipas na Barangay at Sangguniang Kabataan Elections na maghain ng Statement of Contributions and Expenses (SOCE) bago sumapit ang June 13, 2018.

Ayon sa COMELEC, nanalo o natalo man ang kandidato ay obligado silang maghain ng SOCE tatlumpung araw pagkatapos ng halalan.

Maaari lamang anilang i-download ang SOCE forms sa official COMELEC website.


Ayon sa COMELEC, ito ay alinsunod sa Chapter IV, Section 16 to 18 ng Resolution No. 10209.

Samantala, tiniyak ng komisyon na patuloy ang kanilang pamamahagi ng cash cards sa mga guro na nagsilbi sa nakalipas na May 11 Barangay and SK Elections.

Facebook Comments