DELIKADO | Pagsasagawa ng water activities sa hilagang Luzon, iwas muna – DOST-PAGASA

Pinayuhan ng PAGASA ang mga turista na iwasan muna ang mga water activities sa Northern Luzon oras na humagupit ang bagyong Rosita.

Ayon kay PAG-ASA weather division Chief Dr. Esperanza Cayanan, batid nilang gusto ng mga surfer ang malalakas na alon pero ibang lakas ng alon ang kayang buuin ng bagyong Rosita.

Aniya, hindi dapat maliitin ang bagyong Rosita dahil kasing lakas ito ng bagyong Ompong.


Maliban rito, pinayuhan rin ng PAGASA ang mga turista na iwasan munang bumiyahe sa dagat ngayong araw hanggang sa Martes para hindi ma-stranded sa mga pantalan.

Facebook Comments