PAGHAHANDA | NDRRMC, naka-blue alert status na

20

Nagtaas na ng blue alert status ang National Disaster Risk Reduction and Management Council o NDRRMC bilang paghahanda sa bagyong Rosita.

Ayon kay NDRRMC Spokesman Edgar Posadas, nagkaroon na sila noong Biyernes ng pre-disaster assessment meeting kasama ang iba’t ibang ahensya ng pamahalaan.

Aniya, layon ng nitong malaman ang kahandaan ng pamahalan sa bagyo partikular ang gagawing pagresponde sa mga maapektuhan ng kalamidad.

Tiniyak rin ni Posadas na may nakahanda nang pondo para sa mga posibleng maapektuhan ng bagyo.

Nagpalala rin si Posadas sa kahalagahan ng pakikipag-ugnayan ng mga lokal na pamahalaan sa inaasahang pagtama ng bagyo partikular sa usapin ng pre-emptive evacuation.

Facebook Comments