Tingnan: Larawan ng sanggol na napangiti nang marinig ang boses ng kanyang tatay

3831
Photo courtesy: Flavio Vilela instagram

Rio de Janeiro, Brazil – Ikinatuwa ng netizens ang litratong ito kung saan makikita ang sanggol na si Antonella Vilela habang nakangiti at nakatingin sa kanyang tatay na si Flavio Vilela.

Ayon kay Flavio, tumawa raw ang anak ng biglang marinig ang kanyang boses.


Nang inabot ang bagong silang na si Antonella sa mga magulang, nagsalita umano si Flavio ng lagi niyang sinasabi sa anak noong nasa tyan pa lang ito ng asawa.

“They put her on top of me sleeping and as soon as he spoke to her, Antonella opened her eyes and smiled,” sabi ni Tarsila Batista, ang ina ng sanggol.

Sa instagram post ni Flavio, (interpretation of the text) ibinahagi nito ang larawan at sinabing,

“I don’t know how to explain the sensation I felt at that moment. Every day, I talked with my daughter in her mother’s womb. I always told her that I loved her, that daddy was there and that I’d be the best father in the world! When she was born, you see how she paid me back? With that smile that’s more than happy. Love that doesn’t fit inside your chest!”

Dagdag pa ni Flavio, “I thought I knew what a feeling of true love was, until I looked at that most sincere smile in the world … it was [there] that I could be sure what love is.”

Ayon naman kay Tarsila, madalas na raw kinakausap ni Flavio ang anak kahit noong nasa sinapupunan pa lang niya ito.

Kinakausap raw niya ito tuwing umaga at pagkagaling sa trabaho.

“He always told her that he loved her so much,” aniya.

Samantala, ipinanganak si Antonella nitong Agosto 11, saktong ipinagdiriwang ang Father’s Day sa Brazil.

Facebook Comments

From Advertisers