Delivery sa Pilipinas ng 20 million doses ng Moderna vaccines mula US, aabutin hanggang Disyembre

Kinumpirma ng Philippine Embassy sa Washington DC, USA na aabutin hanggang sa Disyembre ng taong ito ang delivery ng mga Moderna COVID-19 vaccines sa Pilipinas.

Partikular ang 20 million doses ng Moderna na donasyon ng Amerika sa Pilipinas.

Nilinaw naman ng embahada na ang naturang mga bakuna ay ikakalat sa iba’t ibang bahagi ng bansa.


Ang unang batch ng naturang mga bakuna ay dadating sa bansa sa June 27 at ang huling batch ay sa kalagitnaan ng Disyembre ng taong ito.

249,600 doses ang unang batch ng Moderna vaccines na dadating sa bansa sa Linggo.

Facebook Comments