Pagadian City, Zamboanga del Sur—–Nadatnan pa ng RMN Newsteam ang sasakyan na nakahilira sa kalsada ng National Highway Barangay Upper Pulacan, Bayan ng Labangan lalawigan ng Zamboanga del Sur matapos mawalan ng preno at tuluyang tumagilid hanggang natumba sa gitna ng kalsada.
Sinabi ni Macario Abe, nakatira sa Brgy. Sicayab Dipolog city, driver ng delivery truck na may plate number ABO-8932 , mula pa sa Lungsod ng Dipolog ang kanilang biyahe papunta sa lungsod ng Pagadian dala ang mahigit 25 toneladang hardiflex na plywood ngunit pagadating sa naturang lugar hindi na umano gumana ang preno dahilan upang tumagilid at tuluyang natumba.
Sinabi ng drayber na si Abe na una umano niyang pagkakataon na dumaan sa lugar kaya’t hindi niya inaasahang hahantong sa aksidente dahil hindi din nito kabisado ang daan, sa nasabing pangyayari ma swerte namang di nasugatan ang nagmamaneho at maging ang dalawa nitong mga kasamahan na sakay sa nasabing container van.
Naantala naman ang biyahe ng ilang motorista dahil sa pangyayari. Napag-alaman ng RMN DXPR News Team na simula ng maitayo ang tulay sa nasabing Barangay, marami ng mga truck at container van ang nadisgrasiya dahil sa aabot sa isang kilometro na maakyat ang kalsada. (DXPR Pagadian News Responds Team)
Delivery Truck natumba sa Gitna ng Kalsada
Facebook Comments