Pinawi ng OCTA Research Group ang agam-agam sa posibilidad na mas mabagsik ang Delta Plus variant na dominante ngayon sa Russia at United Kingdom.
Ayon kay Octa Research Fellow Dr. Guido David, maraming pagkakahalintulad ang Delta at Delta Plus variant na patuloy na minomonitor ng mga eksperto.
Gayunman, hindi pa aniya masasabing variant of concern na ang Delta Plus variant.
Sa kabila nito, iginiit ni David na mahalagang mabantayan nang husto ang Delta Plus variant at ngayon pa lamang ay higpitan na ang mga papasok sa bansa lalo na sa mga pasaherong manggagaling sa United Kingdom at Russia.
Facebook Comments