Manila, Philippines – Hindi sumipot ang demolition team ng pamahalaang lungsod ng Pasig sa bahagi ng Eastbank Rd, Brgy Manggahan, Floodway Pasig City.
Ito ay dahil deklaradong walang pasok ngayong araw ang mga paaralan maging ang mga kawani ng pamahalaan bunsod ng transport strike kung kaya’t muling naudlot ang demolisyon sa nasabing lugar.
Gayunman nagkilos protesta parin ang mga residente ng Eastbank Rd at militanteng grupong kadamay upang tutulan ang nakatakdang demolisyon.
Nagmamatigas ang mga residente ng floodway dahil ayon sa kanila maliit ang relokasyon at malayo ito sa trabaho at eskwelahan ng kanilang mga anak.
Sa datos ng kadamay 700 pamilya ang mawawalan ng tahanan sakaling ipatupad ang nasabing demolisyon.
Matatandaan nuong Aug31 nagkaroon pa ng marahas na dispersal sa Floodway makaraang magbarikada ang grupong Kadamay sa nasabing lugar at nauwi sa pagkakaaresto sa tinaguriang “Floodway 41”.