Dengue cases sa Negros Occidental, lumobo!

Umabot na sa 185 ang bilang ng kaso ng dengue sa Negros Occidental simula Hunyo 26 hanggang Hulyo 2.

Ayon sa Department of Health (DOH) Region 6, ito ay 700 porsiyentong mas mataas kumpara sa naitalang kaso sa kaparehong panahon noong 2021.

Ang probinsya rin ang may pinakamataas na dengue cases sa buong Western Visayas sinundan ng Antique na may 178 cases at Iloilo, 114.


Tatlo na ang namatay sa dengue sa Negros Occidental gayundin sa Iloilo habang isa sa Antique.

Kaugnay nito, nagpadala na ng response team ang DOH-6 para tulungan ang probinsya na makontrol ang pagtaas pa ng kaso ng dengue.

Samantala, sa nasabing panahon, 574 na bagong kaso ng dengue ang naitala sa Western Visayas.

Dahil dito, umabot na sa 5,057 ang kabuuang kaso nito sa rehiyon sa unang kalahati ng 2022 kung saan 31 ang nasawi.

Facebook Comments