DENGVAXIA | Dating Pangulong Noynoy Aquino, dadalo sa susunod na pagdinig

Manila, Philippines – Kinumpirma ni Senator JV Ejercito, chairman ng Senate Committee on Health, na dadalo si dating Pangulong Noynoy Aquino sa susunod na pagdinig hinggil sa Dengvaxia.

Sabi ni Ejercito, maganda rin kasing mismong ang dating presidente ang magpaliwanag sa totoong nangyari.

Isa pa aniya, nagagalit na rin kasi sa kanya ang mga taga-suporta ni Aquino dahil sa pagkakasangkot nito sa isyu.


Samantala, muli namang iginiit ni Senator Ejercito na guidelines lang ang inilabas ng World Health Organization para sa Dengvaxia.

Facebook Comments