DENGVAXIA ISSUE | DOH, iginiit sa PAO na ang kanilang ‘common enemy’ ay ang Sanofi Pasteur

Manila, Philippines – Iginiit ng Department of Health (DOH) na hindi nila kinakalaban ang Public Attorney’s Office (PAO).

Muling panawagan ni Health Sec. Francisco Duque III kay PAO Chief Persida Acosta na makipagtulugan sa kanila.

Aniya ang ‘common enemy’ nila ay ang Sanofi Pasteur, ang manufacturer ng Dengvaxia vaccine.


Ikinalungkot ng kalihim ang naging panawagan ni PAO Forensic Consultant, Dr. Erwin Erfe na mag-resign na siya dahil sa hindi pagiging ‘transparent’ sa kontrobersiya.

Iginiit ni Duque na si Acosta ang patuloy na tumatanggi sa kanilang hiling na ibahagi ng PAO ang resulta ng kanilang awtopsiya sa batang namatay matapos nabakunahan ng Dengvaxia.

Nanindigan ang DOH na dapat himukin ng PAO ang mga magulang ng mga apektadong bata na makipagtulungan sa kanila.

Facebook Comments