DENR-ARMM, patuloy sa pagpapatupad ng climate change mitigation programs nito!

1, 000 bamboo seedlings ang ipinamahagi ng Department of Environment and Natural Resources (DENR) sa Autonomous Region in Muslim Mindanao (ARMM) sa lokal na pamahalaan ng Pandag sa probinsya ng Maguindanao. Bahagi ito ng nagpapatuloy na pagpapatupad ng DENR-ARMM ng climate change mitigation programs o greening programs nito.
Pinangasiwaan ni Provincial Environment and Natural Resources Officer (PENRO) Doming Dagadas ang distribution ng mga punla ng kawayan na tinanggap naman ni Maguindanao 2nd District Assemblyman Khadafeh Mangudadatu bilang kinatawan ng mamamayan ng Pandag.
Sinabi ni PENRO Dagadas na layunin nito na labanan ang mga sakuna at kalamidad na dulot ng climate change.
Nilikha ang programa upang patuloy na makapaghatid ng assistance sa mga komunidad sa ARMM na apektado ng pababago-bago ng panahon.
Maliban sa bayan ng Pandag, ang mga munisipyo ng Rajah Buayan at Mamasapano ay recipient din ng special projects mula sa DENR-ARMM.
Ayon kay DENR ARMM Regional Secretary Hadji Kahal Q. Kedtag, s’yang nagsimula ng climate change mitigation program initiative na nais ng departamento na mapreserba ang integridad ng kalikasan, isa anyang paraan ng pangangalaga sa ecological integrity ay ang pagtugon sa climate change.
Ang bayan ng Mamasapano ay makailang ulit nang nakatanggap ng environmental assistance matapos ang madugong engkwento na ikinasawi ng 44 miyembro ng Special Action Force (SAF) ng Philippine National Police (PNP). (DAISY MANGOD-REMOGAT)

Facebook Comments