Hinimok ni Bayan Muna Rep. Carlos Zarate ang Department Of Environment And Natural Resources na huwag magbigay ng environment compliance certificate sa kaliwa dam project.
Paliwanag ni Zarate, mariing tinututulan ng mga indigenous people ang naunang pagtatayo ng laiban dam mula pa noong 1984 na mas nauna pa sa kaliwa-kanan dam projects.
Ayon sa kongresista, ilulubog ng nasabing proyekto ang 28,000 ektaryang lupa o siyam na villages sa mga probinsya ng Rizal at Quezon.
Bukod dito, maaapektuhan din ang nasa 5,000 pamilya mula sa indigenous sector kapag itinulak ang proyekto na pinondohan mula sa utang sa China.
Pinayuhan din ng mambabatas ang Metropolitan Waterworks and Sewerage System (MWSS) na maging strikto sa Maynilad at Manila Water dahil 1 Billion litro ng tubig ang nasasayang kada araw.
Pinatututukan din ng kongresista ang rehabiltasyon ng wawa dam at kaliwa dam na mas dapat inuuna ng gobyerno.