Kupiyansa ang Department of Environment and Natural Resources (DENR) na makapagbibigay ang Marcos administration ng mas malakas na boses para sa climate change.
Ang Pilipinas ay isa sa “most vulnerable countries” sa climate change.
Sa katunayan, noong 2021, iniulat ng Department of Finance (DOF) na umabot sa ₱506.1-B ang halaga ng climate-related hazards o pagkalugi sa ekonomiya sa nakalipas na dekada dulot ng mga kalamidad.
Naniniwala si DENR acting Secretary Jim Sampulna na mapanatili ang mga nagawa na para mas maging climate-resilient ang bansa.
Magugunita na binanggit ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr., sa kaniyang inaugural address na palalakasin ng kaniyang administrasyon ang posisyon ng bansa tungkol sa ‘sustainable and renewable energy’.
Isa aniyang positibong hakbang ng pangulo ang pagpapakita nito ng interes na makadalo sa 2022 United Nations Climate Change Conference (COP27).
Ang Pilipinas ay matagal nang nanguna sa pagsasalita sa global community tungkol sa climate justice para magkaroon ng technical support para sa inisyatiba ng developing countries partikular na ang mga may banta ng climate change.