Deadline sa aplikasyon sa Bar Exam, pinalawig ng Korte Suprema

Pinalawig ng Supreme Court (SC) ang deadline sa pagsusumite ng aplikasyon para sa mga aplikante sa 2022 Bar Examinations.

Sa Bar Bulletin No. 4 series of 2022, itinakda ng Korte Suprema ang deadline sa pagsusumite ng aplikasyon para sa law graduates sa August 15.

Ayon sa Supreme Court, pinalawig nila ang deadline dahil magkakaiba ang academic calendars ng ilang law schools.


Nakatakda sana ang deadline sa pagsusumite ng aplikasyon sa July 15.

Facebook Comments