Mga Pinoy sa New York, inalerto rin ng Philippine consulate kaugnay ng pagtaas ng kaso ng monkeypox virus doon

132

Kinumpirma ng Philippine Consulate sa New York na tumataas ang kaso ng monkeypox virus sa New York, USA.

Ayon sa konsulada, 75% ng kaso ng monkeypox virus doon ay sa Manhattan.

Pinapayuhan naman ng Philippine Consulate General ang mga Pinoy sa New York na nagkaroon ng exposure sa nasabing virus na agad na magpabakuna.


Nabatid na ang mga miyembro ng gay at bisexual community ang may mataas na panganib sa nasabing sakit.

Facebook Comments