DENR, nagbabalang ipapasara ang mga establisyementong nagtatapon ng maduming tubig sa Manila Bay

Kasalukuyang nagsasagawa ng malawakang saturation drive ang Department of Environment and Natural Resources (DENR) sa mga establisyementong malapit sa Manila Bay.

Sa Laging Handa public press briefing, sinabi ni DENR Secretary Jim Sampulna na layunin ng kanilang ginagawang malawakang pag-inspeksyon na matukoy kung anu-anong mga establisyemento ang nagtatapon ng maruming tubig o wastewater sa Manila Bay.

Babala pa nito sa sinumang establisyemento na mapatutunayang nagdudulot ng pinsala sa kalidad ng tubig sa Manila Bay, agad nilang ipasasara at kakasuhan ang may-ari.


Sa ngayon, ani Sampulna, hinihintay pa nila ang isusumiteng report ng apat na kinatawan na ipinadala ng 16 nilang regional offices na nagsasagawa ng saturation drive sa Manila Bay.

Facebook Comments