DATING MAYOR NG TUGUEGARAO CITY, PUMANAW SA EDAD NA 84

Cauayan City, Isabela- Pumanaw na sa edad na 84 ang tinaguriang “The Builder” na si dating Tuguegarao City Mayor Delfin Telan Ting kagabi sa isang pagamutan sa maynila.

Ibinahagi sa social media ng kanyang anak na si Maila Ting-Que ang pagpanaw ng kanilang Padre de pamilya at nagpasalamat sa lahat ng nakiisa sa panalangin at patuloy na pagmamahal sa kabila ng pagdadalamhati ng kanilang pamilya.

Kaugnay nito, nagpaabot ng pakikiramay si Gov. Manuel Mamba sa pamilya Ting sa pagpanaw ng dating alkalde.

Ikinuwento nito ang kanilang pagkakaibigan ng dating opisyal na higit pa sa pulitika habang inaalala nito ang malaking nagawa ni Ting sa pag-unlad ng Tuguegarao kaya binansagan siyang “The Builder”.

Sa ngayon ang mga labi ng dating alkalde ay nasa Sanctuarium sa Quezon City na mananatili hanggang bukas, March 19, 2022.

Sa linggo, iuuwi ang labi nito sa Tuguegarao, habang inaayos pa ang posibleng public viewing sa nakatatandang Ting.

Facebook Comments