DENR, naibaba na ang backlog cases nito sa loob lamang ng isang taon

Naibaba ng Department of Environment and Natural Resources sa 62 percent ang mga backlog cases sa loob lamang ng isang taon.

Base sa report ng Legal Affairs Service ng ahensya, as of January, naibaba na lamang sa 559 ang mga backlog cases kung ikukumpara sa  1,482 noong January 2018.

Ayon kay LAS Director Norlito Eneran, karamihan sa mga kasong ito ay may kaugnayan sa alitan sa lupa.


Sa ilalim ng Zero Backlog Task Force, tinukoy at niresolba moto propio o hindi na mangangailangan ng paghaharap ng mga kontra partido.

Nag roll-out ang DENR ng Alternative Dispute Resolution training activities sa buong bansa kung saan may mga non-lawyer personnel  na namamagitan sa nagtutunggaling partido.

Facebook Comments