Marikina City Government, sang-ayon sa ginagawang paglilinis ng DILG sa listahan ng 4P’S Beneficiaries ng DSWD sa buong bansa

74

Pabor ang pamunuan ng Marikina City Government sa ginagawang paglilinis ng DILG sa listahan ng mga benepisaryo ng Pantawid Pamilyang Pilipino  Program o 4P’s.

Ayon kay Marikina City Mayor Marcy Teodoro walang masama sa naging hakbang na  DILG sa pagsuporta sa DSWD na mag-facilitate ang dapat ay maging trabaho ng isang  LGU sa proyektong ito na isang aktibidad na Non Partisan.


Matatandaan na nagkaroon ng Memorandum of Agreement sa pagitan ng DILG at DSWD para sa listahan ng 3 o National Household Targeting System for Poverty Reduction o NHTS-PR.

Layunin ng listahan ng 3 na tiyaking ang tunay na mahihirap  sa bansa ang makikinabang sa lahat ng tulong na mula sa DSWD.

Paliwanag ng alkalde, masusi nilang binubusisi ang mga  listahan ng 4P’s para makatiyak na mga tunay nga mahihirap ang makikinabang.

Facebook Comments

From Advertisers