DENR, palalakasin ang ‘flood mitigation measures’

Palalakasin ng Department of Environment and Natural Resources (DENR) ang implementasyon ng agarang ‘flood control strategies’ at pang-matagalang depensa matapos ang naganap na pagbaha sa Maynila noong isang linggo.

Ayon kay Manila Bay Coordinating Office Director Jacob Meimban, may ginagawa ng plano ang ahensiya at magbigay ng pondo para sa declogging operations.

Maglalagay rin ang DENR ng mobile pumping stations sa Baywalk area at magtatayo ng flood gates.


Bubuo naman ng iba pang flooding interventions ang iba pang ahensya ng gobyerno.

Kabilang dito ang Department of Public Works and Highways (DPWH) na bubuo ng long-term plans upang mapahina ang pagbaha sa paligid ng Maynila partikular na sa mababang lugar.

Ito’y sa pamamagitan ng paglagay ng box culvert canals at pumping station sa kahabaan ng T.M. Kalaw at Taft Avenue, para sa mabilis na paghupa ng tubig baha.

Ani Meimban, ang isinagawang declogging operations noong isang taon ay nakakuha ng malaking bulto ng plastic bottles at grease at oil na naimbak sa mga drainage canals sa Maynila.

Nakitang nagmula ito sa business establishments at ang walang patumanggang pagtapon ng basura sa mga kalye.

Facebook Comments