DENR, panalo sa kaso laban sa illegal wildlife trader

Nanalo ang Department of Environment and Natural Resources sa kasong isinampa laban sa wildlife trader na nahuling nagbebenta ng buhay na Green Iguana na itinuturing na kabilang sa mga “Endangered Species”.

Sa desisyon ng Quezon City Metropolitan Trial Court Branch 36, napatunayang lumabag sa wildlife resources conservation and protection act of 2001 ang akusadong si Harriet Shelley Velarde.

Ang RA 9147 ay ang batas na nagbabawal sa pagpatay, pananakit, pangongolekta, pagbebenta at pagbiyahe ng anumang wildlife species na itinuturing na endangered at nanganganib na maubos.


Hinatulan ang akusado ng pagkakakulong ng isang taon hanggang dalawang taon, at pinagbabayad ng halagang P200,000.

Noong nakalipas na taon, naging matagumpay ang DENR at ang mga partner law enforcement agencies.

Kamakailan din ay nakakumpiska ang Bureau of Customs at ng DENR task force pogi ng 1,500 piraso ng pagong sa Ninoy Aquino International Airport, at nanalo rin ito sa kasong isinampa sa nagbebenta ng Malay Monitor Lizard o Bayawak.

Facebook Comments