Itinanggi ni Department of Environment and Natural Resources (DENR) Secretary Toni Yulo-Loyzaga na pagmama-ari ng kanilang pamilya ang Busuanga Pasture Reserve sa Palawan.
Kasunod ito ng resolusyon na inihain sa Senado na layong imbestigahan ang alegasyong conflict of interest na kinasasangkutan umano ng kalihim dahil sa pagmamay-ari umano ng pamilya Loyzaga ang 40,000 na ektaryang gubat at ancestral domain sa nasabing lalawigan.
Sa isang statement, nilinaw ni Loyzaga na ang Busuanga Pasture Reserve ay pagmamay-ari ng gobyerno at hindi kailanman naging pag-aari ng kaniyang pamilya.
Wala aniyang interes ang kaniyang pamilya sa nasabing lupain dahil hindi naman kabilang ang kaniyang pamilya sa mga partido na nakikipag-negosasyon sa Department of Agrarian Reform (DAR) para sa distribusyon ng lupa.
Matatapos din aniya ang mga maling alegasyon laban sa kaniyang pamilya.
Tiwala ang kalihim na sa bandang huli ay mananaig ang ang interes ng publiko.