DENR, target na maging ‘swimmable’ muli ang Manila Bay

Manila, Philippines – Umaaasa ang Department of Environment and Natural Resources (DENR) na maaari ng muling maliguan ang Manila Bay.

Ayon kay DENR Secretary Roy Cimatu, sisikapin nilang maibaba ang fecal contamination ng Manila Bay para maging ligtas itong paliguan at pagganapan ng mga aktibidad pagsapit ng Disyembre.

Makikipagpulong siya sa inter-agency task force, mga lokal na pamahalaan at sa mga negosyante para ilatag ang 3 phase ng Manila Bay action plan.


Aniya, mahigit 40,000 pamilyang informal settlers ang maaapektuhan ng isasagawang rehabilitasyon sa Manila Bay.

Bukod sa mga residente, aalamin din ng DENR kung may paglabag ang mga dumadaong na barko at mga establisimyento sa paligid ng Manila Bay.

Sa pinakahuling pagsusuri sa tubig ng Manila Bay, mayroong 330 million most probable number per every 100 milliliters ang antas ng fecal form sa dagat.

Ito ay mas mataas kumpara sa 100 million most probable number per every 100 milliliters na katangap-tanggap para sa class recreational water.

Facebook Comments