Sinisimulan na ng Department of Environment and Natural Resources (DENR) na patambakan nang synthetic white sand mula sa Cebu ang bahagi ng Baywalk sa Manila Bay.
Sa interview ng RMN Manila kay DENR Undersecretary Benny Antiporda, ito ay bahagi ng planong gawing mala Boracay ang Manila Bay.
Kasabay nito, nilinaw ni Antiporda na hindi hinakot mula sa coastal area ang mga nasabing buhangin dahil bawal ito, kundi galing ito sa mga dinurog na dolomite rocks.
Pagtitiyak pa ni Antiporda, ito ay ligtas at hindi makakaapekto sa ecosystem.
Una nang inalmahan ng grupong Greenpeace Philippines ang nasabing hakbang ng DENR at iginiit na mas dapat nilang atupagin ang paglilinis at pagsasaayos ng mga sewage system sa Manila Bay.
Facebook Comments