DENR, tiniyak na matatapos ang Marawi City Sanitary Landfill sa susunod na buwan

Nangako ang Department of Environment and Natural Resources (DENR) na tatapusin ang pagtatayo ng ‘Engineered Sanitary Landfill’ sa Marawi City, Lanao del Sur sa katapusan ng Hunyo.

Ayon kay DENR acting Secretary Jim Sampulna, itatayo ang sanitary landfill sa mga barangay ng Malimuno at Kasanayan sa bayan ng Kapai sa Lanao del Sur.

Layon nito na maprotektahan ang kalusugan ng kabataang Maranao laban sa kontaminasyon ng groundwater.


Ayon sa ahensya, kinukumpleto na nito ang Engineered Sanitary Landfill sa ilalim ng Solid Waste Management Program na itinatadhana ng Ecological Solid Waste Management Act of 2001.

Samantala, ang lupang ginamit sa open dumpsite sa Barangay Papandayan ay dadaan sa rehabilitasyon at gagawin ito para sa mas maayos na gamit.

Facebook Comments