DENR Usec. Jonas Leones, itinangging sinabi niya na na-wash out ang dolomite sand sa Manila Bay

Nilinaw ng Department of Environment and Natural Resources (DENR) na hindi na-wash out ang dolomite sand na inilatag sa bahagi ng Manila Bay bilang bahagi ng beach nourishment project.

Ayon kay DENR Undersecretary for Policy, Planning and International Affairs Jonas Leones, natakpan lang ito ng itim na buhangin dulot na rin ng tuloy-tuloy na pag-ulan.

Ginawa ni Leones ang paglilinaw bilang tugon sa mga balita na sinabi umano niya na 10% ng dolomite sand sa Manila Bay ay tinangay ng alon dahil sa malalakas na pag-ulan.


Ayon pa sa DENR official, nananatili ang dolomite sa kaniyang kinalalagyan at na-wash in lang ng itim na buhangin.

Aniya, ang dolomite ay hindi mawa-wash out dahil na rin sa geo-engineering intervention na inilagay sa proyekto.

Facebook Comments